The Philippine Government’s
salute to Hon. Jesse Robredo
Secretary of the Interior and
Local Government
May 27, 1958 — August 18, 2012
"Jesse Manalastas Robredo.
Mabuting ama. Mapagmahal na asawa.
Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan. Lingkod bayan. Nagueño.
Bicolano. Higit sa lahat, Pilipino."
Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan. Lingkod bayan. Nagueño.
Bicolano. Higit sa lahat, Pilipino."
"Sa ating kasaysayan, may mga
pangalang nakatatak na sa pambansang kamalayan bilang ehemplo ng pag-asa't
pagbabago— Rizal, Bonifacio, Abad-Santos, Magsaysay, Aquino. Silang mga
nagbuhos ng pawis at panahon para sa kapakanan ng kanilang kapwa at lupang tinubuan;
silang mga maagang lumisan, ngunit nagpamana ng habambuhay na inspirasyon para
sa kanilang kababayan.
Sa pahinang ito, sisikapin
nating sipatin ang buhay, ayon sa mga kuwento, artikulo't salaysay ng ilang
kaibigan, katrabaho, at kapamilya ng isang Pilipinong maidadagdag sa hanay ng
mga dinadakilang pangalan na ito: si Jesse Manalastas Robredo. Ilalathala rin
dito ang ilang pagbabalik-tanaw sa kaniyang kabutihan at
paglilingkod, gayundin ang mga papuri't pasasalamat sa kanya, na patuloy na
bumubuhos sa telebisyon, radyo, at social media.
Jesse Manalastas Robredo.
Mabuting ama. Mapagmahal na asawa. Mapagkalingang anak. Tapat na kaibigan.
Lingkod bayan. Nagueño. Bicolano. Higit sa lahat, Pilipino."